Search Immortality Topics:



Zaijian Jaranilla called “boy wonder” by Lorenzo’s Time director

Posted: June 23, 2012 at 7:14 am

Panibagong challenge ang gagawin ni Zaijian Jaranilla sa kanyang bagong teleserye, ang Lorenzos Time.

Katulad ng ginawa niyang pagpapaiyak at pagpapasaya sa mga manonood ng May Bukas Pa at Ikaw ay Pag-ibig, muling gagawin ito ng 10-year-old actor. Subalit di tulad noon, kakaibang bata ang makikita ng mga manonood.

Gagampanan ni Zaijian ang character ng isang batang may sakit na progeria, isang genetic condition kung saan mabilis ang pagtanda ng isang tao.

Upang magawa ito nang maayos, sumailalim si Zaijian sa isang workshop na pinamunuan ng veteran actor na si Pen Medina.

Ayon kay Zaijian, siya ang nagturo sa kanya kung paano kumilos at magsalita katulad ng mga matatanda.

Parang sinasabi niya po kasi sa akin kung ano yong dapat kong gawin.

Itinuro niya kung paano yong lakad ko. Yong lakad na pangmayaman. Pero parang may script siyang binibigay sa akin tapos po [tuturuan niya ako] kung paano yong boses ko, paglalahad niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng press conference na inihanda para sa cast ng programa.

Ito ay ginanap sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City kagabi, Hunyo 21.

Bagamat ilang beses na siyang nagkaroon ng teleserye, minsan ay kinakabahan pa rin daw si Zaijian.

Aniya, May konting kaba po kasi mayroon pa rin po akong nakakasamang magagaling na artista.

See the rest here:
Zaijian Jaranilla called “boy wonder” by Lorenzo’s Time director

Recommendation and review posted by G. Smith